Pagdating ko kaninang umaga dito sa opisina, nakita ko na naman ang mga lapis kong maiikli... Dito iinog ang kwento ko.... sa aking lapis na maikli. Bibigyan muna kita ng background patungkol sa kaalaman ko patungkol sa pinagmulan ng lapis... ang mga PUNO o ang tinatawag na "Trees": PUNO 101: Para sa mga bata1. Masasabi ko na malakas ang epekto sakin ng mga "social issues" na patungkol sa "environment". pero di ako lubusang environmentalist na nagsumisigaw sa kalye at nagrarally upang maaksyunan ang pagsasawalang bahala ng gobyerno, ng mga pribadong kompanya at kung ano ano pa... Nakita ko kasi sa sarili ko na pag may problema ako sa ano mang sitwasyon, imbis na magdadadada at maglabas ng hinanakit.... hinahanapan ko ito ng solusyon... kahit sa napaka simpleng paraan...
2. Mahal ko ang mga puno... bata pa lang ako, naging hobby ko na ang pagtanaw sa mga iba't ibang korte ng puno, ang kakaibang style ng mga bunga nito, at yung kulay nilang napakasarap tignan... mas kyut pa yan pag nakatingala ka at natatanaw mo ang kulay berde na mga dahon, nakikita mo ang blue skies at white clouds... mala 3D ang dating... Noong grade skul ako, kadalasang tema ng drawing ko ay puno at noong high skul sumasali ako sa mga poster making contest... puno din kadalasan ang konsepto ko... Korny daw ito sabi ng isang teacher ko.
3. Madaming pwedeng pagamitan ang puno... pwede itong maging ply wood na raw material para sa pagawa ng mga magagandang bahay... pwede ring maging sosyaling lamesa at upuan ni lola... at pwede ring maging "barrel man" ng Baguio... Dahil sa madaming pwedeng pagamitan nito, lubos ang papuputol ng puno sa mga kabundukan at kagubatan... kung maihehelicopter shot mo lang yung mga bundok e makikita mo ang mga lasug lasug na parte ng bundok... nakakaawa... parang ulo ng isang lalaking napapanot palang ang tuktok. Dahil dito, pag may malakas na bagyo at lindol, hindi mawawala ang masasalimuot na aksidente tulad na lang nung nangyari na landslide sa Quezon, mga baha sa Mindoro at nung nakaraan lang sa Pangasinan.
4. Dahil sa mga di inaasahang pangyayari, kahit noong unang panahon pa, binuo ng gobyerno ang
REPUBLIC ACT NO. 9175 o ang tinatawag na "Chain Saw Act of 2002" Sec. 2. Declaration Policy. – It is the policy of the State consistent with the Constitution, to conserve, develop and protect the forest resources under sustainable management. Toward this end, the State shall pursue an aggressive forest protection program geared towards eliminating illegal logging and other forms of forest destruction which are being facilitated with the use of chain saws. The State shall therefore regulate the ownership, possession, sale, transfer, importation and/or use of chain saws to prevent them from being used in illegal logging or unauthorized clearing of forests.5. Pero sa kasawiang palad, di rin naman ito natutupad ng maigi dahil sa kakulangan ng implementasyon at pangil ng batas. Pfffffffffffftttt!!!!!!
Dito na papasok ang kwento ng lapis ko... ikonek mo na lang ang dalawang kwento kahit medyo malayo...Lapis ko: 1016. Marami akong lapis dito sa opisina... mga siyam na pirasong mahahaba at di pa natatasahang lapis... maliban dun, kahit anong oras pwede pa akong umorder sa katrabaho kong mala "supplies manager"... pero ako hangga't kaya ko pang gamitin yung lapis ko, gagamitin ko ito... hangga't di pa umaabot dun sa eraser gagamitin ko ito ng lubusan bago ko tasahan ung isa pang lapis. Matipid? maari... Isang paraan lang ng pagpapahalaga kung saan nanggaling ang lapis na ito....sa puno at sa Inang Kalikasan...
Kung nakokornihan ka sa mga sinasabi ko, ito ang suggestion ko... sa upper right hand may x na nakalagay pakiclick na lang...
7. Nung minsang nagtatrabaho ako, nakita nung isa kong katrabaho yung maliit kong lapis... pinagtawanan nya ako... tinanong nya rin ako kung naghihirap na ako at ang aming kumpanya...bakit di daw ako umorder ng bago... lalo pa syang tumawa ng ihirit na "para kang karpentero nyan e".... isang mala boy next door smile ang sagot ko sa kanya.. hehe.
8. Minsan naman nahiram ko yung tambol ng kabanda ko... medyo maliit lang yung tambol, kaya kasya sa bag... naidala ko yun minsan sa opis at nasuksukan ng mga kung ano anong bagay... nung sinoli ko na ang byutipul bag nya, nakita nya yung lapis kong maliit... bakit daw meron ako nun at hinirit..."sumasideline ka ba na karpentero sa gabi?!" sumagot ako ng pabalang at malutong na"leche!"
9. Bakit kaya ganun ang tao? Di nila lubusang naiintindihan ang mga bagay na maaring di nila alintana, ngunit malaking bagay pala para sa iba... Lapis? medyo mababaw na husgahaan para makita ang kalaliman ng isang tao sa kanyang mga paniniwala... ngunit ako sa sarili ko, lubos kong naiintindihan na ano mang maliit, pag pinagsama sama mo ay nagiging malaki.... (tama ba?!! rhyming?!)
10. Kung mapapadpad ka dito sa desk ko sa opis... makikita mo pa rin ang mga lapis ko... mga maliliit na bagay na magpapatunay sa malaking prinsipyo ko sa pagpapahalaga ng mga likas na yaman...lalong lalo na sa mga puno.
PS: Pagkatapos ko itong maisulat...tatlong oras ang makalipas... binigyan nila ako ng mechanical pencil...ANG SAYA SAYA KO! HEHE!